Grabe ang dami ng sumisikat dahil sa social media. Malaking bagay ang facebook ngayon, ang daming pinoy ang naka login at laging present at online sa facebook.
Minsan nga mas ok pa mag chat sa messenger na lang kaysa mag text kasi libre ang messenger ang text may bayad diba. Nakakatipid talaga lalo na pag naka FREE FB ka sobrang makakatipid ka talaga. Yan ang dahilan kung bakit halos lahat ng pinoy ay active sa facebook.
Ang dami ng sumikat, nandyan si Carrot Man, Badjao Girl at ngayon naman ay si Yakult Girl.
Nakakatuwa kasi kapag sumikat sila, parang parte tayo ng buhay nila kasi tayo ang nagpasikat sa kanila sa pamamagitan ng pag share sa facebook nakikilala at nagiging sikat sila. Umaangat din at umaasenso ang buhay nila pag na discover sila syempre tuloy tuloy na ang projects.
Kaya sama ama natin pasikatin si Ms. Yakult Girl kasi makikit amo sa kanya na masipag sya kagaya ni Carrotman na walang ka-arte arte sa katawan.
0 comments
Post a Comment