Sa kanyang inis pinakain umano ni Duterte sa isang lalaki ang mga papeles na ginagamit daw ng lalake para makapag delihensya mula sa lupa na hindi naman nya pag mamay-ari.
Nagtungo sa Police Station si Duterte matapos makarating sa kanya ang umano’y panlolokong ginawa ni Manolito Gabas lider daw ng mga informal settlers sa Victoria Village sa Matina Playa Davao City.
Inaresto ng mga pulis si Gabas, matapos mapag-alamanang nangongolekta ito ng dalawang daan ang limampung piso sa mahigit limampung pamilyang naninirahan sa lupang di naman nya pagmamay-ari. Mapapanood nyo yung video sa link na ito.
Sa sobrang galit ni Duterte, pinanguya nito kay Gabas ang mga pekeng dokumentong pinanghahawakan daw ng suspek.
0 comments
Post a Comment