Malupet talaga etong si Baron, ang lupet ng pang aasar nya kay Matos. Muling nagharap ang dalawa at eto na tuloy na tuloy na ang kanila labang sa rings sa wakas para matapos na etong kumakalat sa facebook feed. Maganda tong laban na to dahil may hugot, pareho silang may hugot sa isa't isa. Baka naman magkatuluyan pa silang dalawa nyan?
Sa labang nila sa URCC malalaman kung talagang marunong ba sila or puro yabang lang ang alam sa katawan. Dito natin malalaman kung may ibubuga itong dalawang ito. Kasi kung puro kaangasan lang ang alam nila eh pinaglololoko lang nila ang tao.

Etong si Matos mukhang pikon na pikon na sa kakulitan ni Baron, at eto namang si Baron, nababadingan kay Matos kasi nga mahilig ito sa cheap shot. Kaya sa June 25 magkaka alaman na. Mapapanood nyo yung video ng paghalik ni Baron kay Matos dito sa link na ito.
Talagang magkakaalaman na sana naman di nila biguin ang mga tao, sana totoong laban ang makita namin hindi yung puro yabangan lang.
0 comments
Post a Comment