Friday, June 3, 2016

Babaeng nilalabasan ng karayom sa katawan sa Leyte, biktima ng kulam



Usap usapan ngayon sa isang barangay sa Hindang Leyte ang isang babae na dinapuan daw ng kakaibang karamdaman. Hinala ng ilan, biktima sya nag kulam dahil sa paglabans ng karayom sa kanyang katawan.

Tatlong linggo na raw nagdurusa at sumisigaw sa sakit ang 21 anyos na babaeng ito sa Barangay 2 Delsur Hindang Leyte. Sa imbitasyon ng mayor pinuntahan ng local media ang tirahan ng babae para alamin ang kanyang di pangkaraniwang kwento.

May mga karayom na nakatusok sa kanyang braso. Ayon sa kanyang pamilya, may araw daw na sa mukha at binti ng babae lumalabas ang karayom. Mapapanood nyo yung video sa link na ito.

May mga pagkakataon din daw na nakatahi ang bibig nya. Nakunan sya ng video camera habang may isinusukang sinulid.

Ayon sa isang albularyo.. kinulam ang babae.





0 comments

Post a Comment