Mukhang bad trip na talaga si Daniel Padilla sa mga nag ba bash sa kanya dahil sa pag endorso nila ni Kath kay Mar Roxas.
Eto yung sinabi nya... agree ba kayo?
“Siguro sa lahat ng mga boboto ngayon, lahat tayo may opinyon, siyempre hindi pare-pareho kung paano tayo mag-isip, pero bago tayo mag-act o sabihin, make sure natin na alam natin yung sinasabi natin. “Huwag din tayong masyadong matapang. Make sure alam din natin at kaya nating i-back up yung sinasabi natin. Hindi naman tayo puwedeng salita nang salita and di mo naman alam ang nangyayari sa eleksyon. “Marami kasing nagmamagaling sa eleksyon, hindi naman botante, di ba? So, shut up ka, hindi ka naman botante,” sey pa ng aktor. Isa pang itinanong ng press kay Daniel Padilla ay ang hindi nila pagkakasundo ng amag si Rommel Padilla at ng kanyang tiyuhing si Robin Padilla na kilalang mga tagasuporta ni Rodrigo Duterte. “Oo, yun nga. Sabi ko, iba-iba nga ang opinyon ng bawat tao, so ang hirap din kasi. Pero ise-set aside mo yung pamilya sa pulitika, dahil mahirap. Pero dapat nasa lugar din kayo at irespeto ang bawat desisyon. Huwag kayong nagkakatapakan.”
0 comments
Post a Comment