Thursday, May 19, 2016

Enchong Dee, Di kinaya si Kim Chiu



Minsan sa pag may performance ka, may mga araw talaga na minamalas ka. May oras na nagkakamali at kahit ano pang ensayo mo di talaga maiiwasan na magkakamali pa rin lalo na pag live kang mag pe perform.

Kagaya ng nangyari kay Enchong Dee and Kim Chiu sa ASAP.  Binuhat ni Enchong si Kim pero na out of balance sya at nabigatan kay Kim, considering napakagaan pa ni Kim nyan. May mga bagay talaga na unexpected na nangyayari at wala na tayo magagawa doon.

Siguro kailangan lang na mag practice ng husto at hindi dapat kakabahan sa bawa't performance. Bawa't pagkakamali naman at may matutunan tayong lesson, kaya kung sakaling mangyari sayo ito mapalad ka kasi binigay sa iyo ito para mag serve as a lesson for you. Para sa susunod na performance mo ay ma perfect mo na. Mapapanood nyo yung nangyari kina Enchong sa link na ito.

Saludo pa rin ako kay Enchong and Kim kasi pinagpatuloy pa rin nila ang performance kahit na nagkamali na sila, yan ang tunay na performer.





0 comments

Post a Comment